The Cardenas Family

Wednesday, July 12, 2006

In Memory of Inang from Lorena ...

The following was an email letter to me (Emilio) from my sister Lorena on January 21, 2005 relating post funeral news of our mother. Some details were taken out, others with highlights were edited. Moreover, this blog is to remember my mother who would have spent her birthday today (July 13, 2006 Philippine time). So, the letter goes -

Dear Manong,

Today, i went to Kabisig to claim Inang's aid. Her membership became dormant, stopped paying in 2001 (while i was out of country). She paid more than P10,000. But good that still there was claim, less 15% from total payments. So, i got P7,446. Parlor's fee is P13,000. Fe gave PPP xxx . So, everything settled. I paid P11,000 for hospital bills (kasi hindi binayaran ang aking Philhealth so wala discount) + other daily expenses bago kami nag-usap-usap ng ibang bills. ....

When I reached Solano, Inang already died. This time she didnt make it. Ewan ko pero nung iniwan ko siya Jan 7 parang OK naman siya. Tanong kailan ako babalik, sabi ko, after a week or jan 15 (yun pala libing nya ang date na yun). Ang last picture nya ay nung pauwi sina Ogie & family jan6. Nakisakay ako hanggang bayan para magbayad ng koryente (nag-alala na baka daw maputulan kaya pumunta ako agad). Nagbigay ng cash gift kay Kim (2nd anak ni Ogie) at kinunan ko ng close-up. Ngiti sya. So, text ako gabi 7, sabi M. Jeannie kasama si M Ebok bahay. Tapos Jan 8 umaga, wala pa naman bad news. Pero nung nasa Palawan na ako, ilang oras pa lang, text si Lisa. Kasi ti-next ko sya from airport na baunan si Inang pagkain. Hapon yun. Until.......yun na nga....ospital na. At hindi naman agad ako makauwi. So, ibinilin ko kay Pastor Excel at Pastor Bong na sila ang pumunta. Pumunta naman sila 2 or 3x yata. para siguraduhin na maintindihan ni Inang ang salvation at ma-prepare siya sa heaven.

I prayed, the church in Palawan prayed, all my friends all over the world (India, USA, etc) for Inang, for me & our family. I knew that the worst might come. Even while i was in India, parang alam ko na....at alam na ng lahat....ang posibleng mangyari....I was afraid. But i clung to God & trusted Him. God didnt answer my prayer na pagalingin pa si Inang, na dagdagan pa ang buhay nya kasi gusto ko ma-enjoy nya sana ang pagiging anak ng Diyos, na gamitin siya kahit paano sa ating pamilya at iba pa.....God knows what is best. At least, God heard my prayer that I would be around kung kunin sya. Yes, in India, they prayed that habang andun ako, ingatan si Inang. At heaven ang punta nya.

Now, that she's gone.....everything changed. Parang hindi ko kaya. Nag-iisa na ako. And i am very lonely. Never before i felt like this. Pero, supportive naman ang mga Manongs natin & families. Tapusin ko muna ang 40 days before i plan again for my future.

Well, sa vigil ni Inang, hindi mapigilan ang sugal. Pero not as much as the usual gawi in other lamays. Medyo sandali lang sila at hindi yata mataas ang taya. HIndi ako tumingin doon. Saka, siyempre, magastos talaga. Iba na ngayon. -xxx- To say Thank You daw sa kanilang pakikiramay. Well....kay Tatang noon, mga P40-50,000 gastos including hospital. Si Inang lahat gumastos + yung tulong mo. That time, mataas pa presyo ng palay at sina Inang ang nagsasaka. Now, si M Luning na. At mababa ang presyo ng palay, mataas ang gastos sa bukid....at magastos na ang buhay. Siguro kung ako ang magsaka....not worth it talaga. Mapunta lang sa gastos. kasi sina Manong, sila ang nagwo-work. At alam nila paano i-control kahit paano.

Kay Inang, 2 baboy + may por kilo pa....pang-kain before burial pa. Wala kaming formal na usapang magkakapatid kasi wala ako strength for discussion. parang bahala na sila kung ano gusto nila maitulong. At bahala na rin ako kung ano meron ako....ibinigay ko lahat. Basta ang alam ko, lahat naman...ibinigay ang kaya nila. Iba-iba tayo....kanya-kanyang prinsipyo. At lahat naman gusto ang mabigyan si Inang good funeral. kaya lang sabi ko sa kanila.....ngayong wala na siya....kahit milyun pa ang gastusin...para ano pa? Sana...nung buhay siya....ay noon ginastusan. Kaya, sabi ko sa kanila....pag-ingatan ang kanilang health. At maghanda sila ng emergency funds nila.

Lahat ng apo...except Aldrin (and wife, kasi galing din sa sakit), present. Si Arvin daw ang bumili ng isang baboy. At si Bing may makukuha yata na aid sa PMA, hindi nakahabol. Anyway, yung pang-7,8 & 9 days ni Inang daw (padasal nila), sila-sila ang gumastos. Sabi ko, hindi ako naniniwala dyan kaya wag ako isali sa gastos. Tapos, meron pa daw 40 days....plano nila....potluck daw. Sabi ko, exempted ako. Present lang at bahay ay open. Parang yung mga apo ang talagang iyak---si Ogie, Lisa at Sony kasi sila yung mahilig humingi ng pera o regalo kay Inang. Si Sony pumunta sa sementeryo after gulgol at iyak ng iyak. "Awanen mangted ti Pop ko ken pamasahek," kuna na. Yes, gulgol after libing. I went para manood. After scanning picture, i will send u. Sila nagpagulgol lahat para daw hindi multuhin. Pati si PJ! Sabi ko sa kanya wag na...pero inggit sya. Si Arvin ang nag-gulgol sa kanya. I will show the pictures. nagkasakit daw si Kenneth at Kim....sabi nila minulto daw dahil hindi nakarating. Reason: kasi kagagaling lang nila bakasyon at wala na budget kung buong family. Kaya Ogie lang dumating at binayaran Mommy niya pamasahe.

Well, hindi ka na nahintay kahit sinabihan ko siya darating ka April. Anyway masaya naman siya dahil tumatawag ka at binibigyan mo siya kahit paano ng pang-Ensure nya. HIndi naman siya demanding. Sabi nya sa akin noon, pagod na daw siya....wala na gana kumain...ang gusto na lang daw nya sana daw...mag-asawa na ako. Sabi ko, kahit hindi, God wil take care of me naman.

So what's ur plan now? Move ka pa rin sa Canada or dyan ka na sa USA?

I sent you textmail Yahoo & says u will receive it. Free if PC. If i send from phone, mas mura pa rin kesa direct text. Kaya lang if u send me from ur phone....i am charged for receiving it. If from PC, free. So text me from PC & goes to my inbox free.

Ading

0 Comments:

Post a Comment

<< Home